Dadamayan Kita
Minsan, may nakilala akong babae. Nalaman ko mula sa aming pag-uusap na pauwi na siya agad, gayong kakarating lang niya noong araw na iyon. Kaya naman, tinanong ko siya kung bakit uuwi siya agad. Sinabi niya, “Dinala ko lang ang anak ko sa lugar kung saan ginagamot ang mga lulong sa droga.”
Ikinuwento ko naman sa kanya ang nangyari sa aking…
Mahalaga tayo sa Dios
Isang matandang palaboy sa aming lugar si David. Madalas siyang tumugtog ng biyolin sa daan upang ipakita ang pambihira niyang talento. Nagbibigay ang mga tao ng kanilang limos kay David kapalit ng kanyang pagtugtog. Ngumingiti si David sa kanila bilang pasasalamat at patuloy pa rin siya sa pagtugtog ng kanyang biyolin.
Nang pumanaw si David ay nailathala sa dyaryo ang tungkol…
Nagbigay ng Daan
Noong nag-aaral ako magFencing, isinisigaw ng aking coach kung paano ako sasalag para dumipensa. Isang uri ng laro ang fencing na gumagamit ng espada. Kailangan ko laging makinig kay coach at gawin agad ang kanyang mga sinasabi. Sa gayon, masasalag ko ang mga atake niya.
Naipaalala sa akin ng laging pakikinig kay coach ang tungkol sa pagsunod na binanggit sa Biblia.…
Tunay na Pag-asa
Minsan, pumunta kami ng kaibigan ko sa Empire State Building sa Amerika. Kung titingnan mo sa malayo, maiksi lang ang pila para makapasok sa gusali. Pero nang pumasok na kami, napakahaba pala ng pila.
Inaayos nang mabuti ng mga namamahala sa mga sikat na lugar o pasyalan ang pila ng mga tao nang sa gayon ay magmukhang maiksi lang ang…
Pagpapakumbaba
Minsan, habang papasok ng eroplano, nasa bandang hulihan ako ng pila. Nang nasa loob na ako, iilan na lang ang bakanteng upuan. Nakakuha naman ako ng puwesto sa bandang gitna. Pero, kinailangan kong ilagay ang bagahe ko sa dulo dahil iyon na lang ang bakante na mapaglalagyan. Ang problema nga lang, kailangan ko munang hintaying makadaan ang lahat bago ko…
Taguan
Kapag naglalaro ang mga bata ng taguan, akala nila na nakapagtago na sila kapag tinakpan ang kanilang mga mata. Dahil hindi na sila nakakakita, iniisip nila na hindi na rin sila makikita ng kalaro nila.
Sa tingin natin, patay malisya ang mga batang iyon. Pero minsan, nagagawa rin natin na parang nagtatakip tayo ng mata sa harap ng Dios. Kapag may…
Tamang Panahon
Minsan, matagal bago sagutin ng Dios ang mga panalangin natin at hindi ito madaling maunawaan.
Iyon ang nangyari kay Zacarias na isang lingkod ng Dios. Minsan, nagpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel. Sinabi nito na pinakinggan ng Dios ang panalangin nilang mag-asawa. Magsisilang si Elizabeth ng isang sanggol na lalaki na papangalanan nilang Juan (LUCAS 1:13).
Marahil, ilan…
Mapagmasdan
Masayang-masaya ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang Grand Canyon. Hindi ko maiwasang mamangha sa nilikhang iyon ng Dios.
Kahit na isang napakalaking butas lamang sa lupa ang Grand Canyon, ipinapaalala nito sa akin ang langit. Sobrang ganda kasi nito. Minsan, may batang nagtanong sa akin, “Nakakainip kaya sa langit? Nakakasawa kayang magpuri sa Dios doon?” Naisip ko, kung sa isang malaking…
Tagapamagitan
Magandang pakinggan ang panalangin ng mahal natin sa buhay para sa atin. Masaya ring malaman na dahil sa kabutihan ng Dios, makatitiyak tayo na naririnig Niya ang mga panalangin natin.
Kung minsan, hirap tayo sa pag-iisip ng mga tamang salita kapag nananalangin. Minsan naman, nahihiya tayo sa Dios dahil sa mga pagkukulang natin sa Kanya. Magkagayon man, hindi tayo dapat sumuko…
Magpakatatag
Nalulong sa pinagbabawal na gamot ang aming anak. Kung may magsasabi sa akin na gagamitin ng Dios ang pagsubok na pinagdaraanan ko para makatulong sa ibang pamilya, mahirap para sa akin ang maniwala. Hindi madaling tanggapin ang sinasabi ng iba kung tayo mismo ang nakakaranas ng pagsubok. Kahit na alam kong kumikilos ang Dios para gawing maganda ang mga pinagdaraanan nating…